^

PSN Palaro

Lakers ibinagsak ang Hornets sa ika-9 sunod na kamalasan

Pilipino Star Ngayon
Lakers ibinagsak ang Hornets sa ika-9 sunod na kamalasan
Dinakdakan ni Anthony Davis ng Lakers si Miles Bridges ng Hornets.
STAR/File

LOS ANGELES - Ku­mo­lekta si LeBron James ng 17 points at 11 assists da­lawang araw bago ang kanyang ika-39 kaarawan para tulungan ang Lakers sa 133-112 pagpapabagsak sa Charlotte Hornets.

Maaaring si James ang pi­nakamatandang NBA pla­yer, ngunit wala siyang ipi­napakitang kahinaan sa kan­yang pang-21 season.

“He’s seen every cove­rage and made a lot of great reads throughout his career, so every time we can get the ball in his hands, it’s good for us,” ani Anthony Davis kay James.

Nagtala ang Los Angeles (17-15) ng season-high 41 assists at nakahugot kay Davis ng 26 points.

Bagsak ang Charlotte (7-22) sa kanilang pang-siyam na dikit na kamalaan.

Kumamada ang Lakers ng 41 points sa kabuuan ng third quarter tampok ang tig-12 points nina James at Rui Hachimura.

Lalo pang nabaon ang Hornets sa 28-point deficit sa fourth period kung saan ipinahinga na ni coach Darvin Ham sina James at Davis.

Sa Boston, inihulog ng Celtics (24-6) ang Detroit Pistons (2-29) sa pang-28 su­nod nitong kamalasan ma­tapos ang 128-122 overtime win tampok ang sea­son-high 35 points ni Kristaps Porzingis.

Pinantayan ng Pistons ang NBA record na 28-game losing slump ng Phi­ladelphia 76ers noong 2014-15 hanggang 2015-16 season.

Sa Minneapolis, humataw si Anthony Edwards ng season-high 44 points sa 118-110 panalo ng Minnesota Timberwolves (23-7) sa Luka Doncic-less Dallas Mavericks (18-14).

Sa Denver, nagtala si Ni­kola Jokic ng 26 points, 14 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-11 tri­ple-double sa season sa 142-105 pagdurog ng nag­dedepensang Nuggets (23-10) sa Memphis Grizzlies (10-20).

Sa Portland, naglatag si No. 1 overall pick Victor Wembanyama ng 30 points, 6 rebounds, 6 assists at 7 blocks sa 118-105 pagdaig ng San Antonio Spurs (5-25) sa Trail Bla­zers (8-22).

Sa San Francisco, nag­pa­sabog si Tyler Herro ng 26 points sa 114-102 pag­sunog ng Miami Heat (19-12) sa Golden State Warriors (15-16).

CHARLOTTE HORNETS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with