^

PSN Palaro

Philcycling national road finals sa Pebrero 5-9

Pilipino Star Ngayon
Philcycling national road finals sa Pebrero 5-9
Itinakda ng Philcycling ang nasabing event sa Pebrero 5 hanggang 9 sa Ta­gaytay City.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines —  Pinaaga ng PhilCycling ang pagdaraos sa National Championships for Road 2024.

Itinakda ng Philcycling ang nasabing event sa Pebrero 5 hanggang 9 sa Ta­gaytay City.

Ito ang inihayag kaha­pon ni PhilCycling at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.

Ang top 30 riders sa Men Elite, Under 23, Juniors at Youth categories sa nakaraang 2023 nationals na idinaos noong Hunyo ay swak na sa National Championships sa susunod na taon.

Ang mga women races ay bukas para sa lahat ng mga interesadong riders.

Pasok na din sa five-day competitions na inihahandog ng Standard Insurance at ng MVP Sports Foundation ang top 30 fi­­nishers sa nakaraang Ba­­tang Pinoy-Philippine Na­tional Games.

Maximum na 90 riders ang itinakda ng PhilCycling na bilang ng mga kalahok sa individual road race (massed start) at 60 cyclists sa criterium at individual time trial sa Men’s Elite, Under-23 at Juniors.

PHILCYCLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with