^

PSN Palaro

4 BEST tankers sasalang sa Asian meet

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) Philippines ang nagkuwalipika para ma­­ging bahagi ng national swimming team na sasabak sa 11th Asian Age Group Aquatics Cham­pionships sa Pebrero 26 hanggang Marso 9 sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Nangunguna sa lista­han sina World Junior Championships veterans Mi­caela Jasmine Mojdeh at Heather White na sariwa sa kampanya sa Batang Pinoy National Finals sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Nakapasok sa lineup si Mojdeh matapos makali­kom ng 680 WA points sa paborito nitong event na 200m butterfly.

Sina Mojdeh at White ay kasama sa listahan ng mga most bemedalled athletes sa Batang Pinoy.

Humakot si White ng pitong gintong medalya kung saan winalis nito ang lahat ng kaniyang events.

Wagi naman si Mojdeh ng anim na ginto at isang pilak sa Batang Pinoy.

Sa kabilang banda, na­nguna si White sa listahan bunsod ng kaniyang 715 WA points sa 50m freestyle.

Pasok din sa national junior team sina Zayden Ramos at Hugh Antonio Parto.

May 602 WA points si Ramos sa 50m freestyle.

BEST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with