Baguio City bumandera sa PNG, BP medal tally
MANILA, Philippines — Kapwa pinamunuan ng Baguio City ang labanan para sa overall championship ng 2023 Philippine National Games at Batang Pinoy kahapon sa mga veues sa Metro Manila.
Humakot ang mga Baguio City athetes ng 18 gold, 11 silver at 6 bronze medals sa pagbandera sa PNG kasunod ang Pasig City (15-21-26)
Nasa ikatlong posisyon ang Mandaluyong sa nakolektang 11 ginto, 11 pilak at 17 tansong medalya, habang may 7 ginto, 12 pilak at 7 tanso ang Davao City.
Nagsubi naman ang Baguio City delegation ng 32 golds, 25 silvers at 40 bronzes para palakasin ang tsansa sa ikaapat na sunod na overall crown sa Batang Pinoy.
Nasa ikalawang puwesto ang Pasig City na may 25 golds, 27 silvers at 40 bronzes kasunod ang Cebu City (20-15 -21), Davao City (20 -14-16) at Zamboanga City (18-6-5).
Ang Local Government Unit (LGU) na tatanghaling overall champion ay tatanggap ng P5 milyon, habang may P4 milyon, P3 milyon, P2 milyon at P1 milyon ang second, third, fourth at fifth placers, ayon sa pagkakasunod.
Sa PNG sa Philsports Complex sa Pasig City, umagaw ng eksena si Cambodia Southeast Asian Games kata queen Sakura Alforte matapos kunn ang ginto sa kanyang 23.90 points.
Nakuntento si dating national champion Rebecca Torres sa pilak kasunod si Chino Veguillas para sa tanso.
Si World championship quarterfinalist Jeremy Nopre ang nanguna sa men’s kata sa kanyang 23.50 points.
Sa Philsports pool, nilangoy ni Bulacan tanker Rafael Barreto ang kanyang ikaapat na ginto nang maghari sa boys 18-0ver 200-meter freestyle sa bilis na 1:53.05.
Sinisid ni Ormoc City bet Atasha dela Torre ang kanyang ikatlong ginto matapos magreyna sa girls 18-over 100-meter butterfly.
Sa track oval, sinikwat ni Lyca Catubig ng Davao City ang pangatlo iyang gold sa panalo sa women’s U20 5,000-meter walk sa oras na 28.21.82, habang naghari si Justin Santo Macuring ng Pasig City sa parehong event sa tiyempong 26:26.23.
Sa Batang Pinoy sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila, pitong ginto ang itinumba ng Baguo City sa taekwondo bukod sa lima sa judo.
May siyam pang finalists ang Baguio City sa kickboxing.
- Latest