Splash Brothers bida sa panalo ng Warriors sa Clippers
SAN FRANCISCO - Humugot si Klay Thompson ng 10 sunod na puntos sa krusyal na bahagi ng fourth quarter at tumapos na may 22 points sa 120-114 panalo ng Golden State Warriors laban sa Los Angeles Clippers.
Nagtala si Stephen Curry ng 26 points, 8 assists at 7 rebounds para sa Warriors (9-10).
Nag-ambag si Draymond Green ng 13 points.
Pinamunuan ni Kawhi Leonard ang Clippers (8-10) sa kanyang 23 points at 7 rebounds, habang naglista si James Harden ng 18 markers at 7 assists at may 15 points at 10 assists si Paul George.
Kinuha ng Golden State ang 18-point lead sa first half bago ito naputol ng Los Angeles sa 81-89 sa pagsisimula ng fourth quarter.
Sa nasabing yugto ay nag-init ang mga kamay ni Thompson para sa panalo ng Warriors sa Clippers.
Sa San Antonio, nagpasabog si Trae Young ng season-high 45 points sa 137-135 pagtakas ng Atlanta Hawks (9-9) sa Spurs (3-15).
Sa Oklahoma City, umiskor si Shai Gilgeous-Alexander ng 33 points sa 133-110 pagsapaw ng Thunder (12-6) sa Los Angeles Lakers (11-9).
Sa Minneapolis, humataw si Karl-Anthony Towns ng 32 points at 11 rebounds sa 101-90 panalo ng Minnesota Timberwolves (14-4) sa Utah Jazz (6-13).
Sa Miami, kumabig si Jimmy Butler ng 36 points sa 142-132 pagsunog ng Heat (11-8) sa Indiana Pacers (9-8).
- Latest