^

PSN Palaro

7th PVL crown wish ni Galanza

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
7th PVL crown wish ni Galanza
Nagdiwang ng ika-27 kaarawan si Galanza.
STAR / File

MANILA, Philippines — Walang ibang birthday wish si Jema Galanza kundi ang ikapitong korona ng Creamline Cool Sma­shers sa Premier Volleyball League (PVL).

Nagdiwang ng ika-27 kaarawan si Galanza.

At isa sa hiling nito ang panibagong korona sa PVL kasama ang Cool Sma­shers.

“Yung championship sana makuha ulit namin,” ani Galanza.

Nais din ni Galanza na walang magtamo ng injury hindi lamang sa Creamline maging sa lahat ng teams na naglalaro sa liga.

“Sana maging healthy lahat ng teams,” ani Galanza.

Hindi naman malabo na matupad ang wish ni Galanza.

Pasok na sa semis ang Cool Smashers anuman ang maging resulta ng mga nalalabing laro ng kanilang team.

Kaya naman naka­sentro na ang atensiyon ng Creamline sa mas krusyal na estado ng torneo — ang Final Four.

Alam ni Galanza na mas matinding laban ang haharapin ng Cool Sma­shers sa semis.

“Mas mabigat ang se­mis dahil lahat ng four teams gusto makapasok sa finals. Kaya kailangan namin talagang paghandaan ang bawat laro namin,” ani Galanza.

JEMA GALANZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with