^

PSN Palaro

Batang Pier sumosyo sa liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Batang Pier sumosyo sa liderato
Kinaldag ni NorthPort import Venky Jois sa ilalim si Gabe Norwood ng Rain or Shine.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sumosyo sa liderato ang NorthPort matapos u­ngusan ang Rain or Shine, 113-103, sa Season 48th PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagpasabog si Arvin Tolentino ng career-high 35 points tampok ang limang triples para sa 2-0 record ng Batang Pier at humakot si Australian import Venky Jois ng 30 points, 21 rebounds at 7 assists.

“Venky is an amazing player. Iyong good attitude niya, iyong character niya. “That’s why lahat kami nahawa sa kanya,” ani Tolentino kay Jois.

Nag-ambag si Joshua Munzon ng 15 points at may 11 at 10 markers sina JM Calma at rookie Cade Flores, ayon sa pagkakasunod.

Nalasap ng Elasto Painters ang ikalawang dikit na kabiguan matapos ang naunang 102-107 pagtukod sa Meralco Bolts (2-0).

Nalampasan ng NorthPort ang matinding paghahabol ng Rain or Shine mula sa 19-point deficit, 61-80, sa third period para makadikit sa 99-103 sa huling 2:55 minuto ng fourth quarter.

Ang dalawang free throws ni rookie guard Brent Paraiso kasunod ang agaw at fastbreak dunk ni Tolentino ang muling naglayo sa Batang Pier sa 107-99 sa huling 2:35 minuto ng final canto.

Naiwanan pa ang Elasto Painters sa 99-109 matapos ang basket ni Flores sa nalalabing 2:09 minuto ng laban.

Ipinoste ng NorthPort ang 48-38 abante sa 5:40 minuto ng second period patungo sa 61-50 halftime lead sa Rain or Shine na nakakuha kay import Dajuan Summers ng 32 mar­kers, 8 boards, 3 assists at 8 turnovers.

Umiskor ng 15 points si Leonard Santillan para sa Elasto Painters.

ELASTO PAINTERS

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with