^

PSN Palaro

Philippine Xiangqi team hihirit sa World Championship

Philstar.com
Philippine Xiangqi team hihirit sa World Championship
Tangan nina PXF chief Wilson Zhou at PCAAF president Natalie Sia (kanan) ang Philippine flag bilang pagbibigay-pugay sa PH Xiangqi Team na sasabak sa World Championship sa Houston, Texas sa Disyembre 19-25. Kasama rin sa nagbigay suporta sa ginanap na sendoff ang mga opisyal ng dalawang asosasyon kanilang ang founding chairman na si Chan Cuan (ikalima mula sa kanan).

MANILA, Philippines – Naniniwala si Filipino Amateur Athletic Federation (FCAAF) founder Chan Cuan na malaki ang potensyal ng mga Pinoy na manalo sa Xiangqi — isang tradisyunal na laro (Chinese chess).

“Just like wushu, noon di rin ito masyadong kilala pero ngayon, may mga world champion na tayo. Gayundin ang Xiangqi, in the future magkakaroon tayo ng world champion,” sabi ni Cuan, honorary chairman din ng Philippine Wushu Federation, sa special edition ng ‘Pandesal Forum’ noong Sabado na mistula ring sendoff para sa Philippine Team na sasabak sa 18th World Xiangqi Championship sa Houston, Texas sa Disyembre 19-25.

Pamumunuan nina Philippine Xiangqi Federation president Wilson Zhou at International Grandmaster Engr. Asi Ching ang delegasyon sa pinakamalaking torneo ng Xiangqi na inaasahang lalahukan ng mahigit sa 30 bansa sa pangunguna ng China at Vietnam.

Isinusulong ng FCAAF, sa pamumuno ni Natalie Sia, ang mga programa at pakikipagtambalan sa iba pang organisasyon upang mapalakas ang “awareness campaign” dahil tiwala rin siya na ang Xiangqi (Chinese-traditional chess) ay sports na madodomina ng Pinoy at makapagbibigay ng karangalan sa bansa sa hinaharap.

Iginiit ni Sia na kabilang ang Xiangqi sa 18 sports na nasa pangangasiwa ng kanilang asosasyon at puspusan ang kanilang programa upang higit itong maipakilala hindi lamang sa Filipino-Chinese community bagkus maging sa buong bansa higit at ang sports at halos kapareho din ng Western Chess na nadodomina ng Pinoy.

“Puspusan po ang programa ng FCAAF para matulungan ang Xiangqi Federation sa kanilang layuning maipakilala ang sports sa mas nakararaming Pinoy. Kaya maging sa kanilang paglahok sa international competition ay handa kaming gumabay at tumulong,” ani Sia sa naturang forum na ginanap sa Philippine Cultural College sa Manila.

Sa gabay ni PCC Principal Dr. Polly Sy, itinatag sa eskwelahan ang training center para sa mga gustong matuto at magsanay ng Xiangqi.

Bukas ang training center para sa lahat nang nagnanais na matuto sa sports.

Dumalo rin sa programa ang iba pang opisyal kabilang sina PCAAF Chairman of the Table Tennis Committee at TATAND Honorary President Charlie Lim, TATAND Honorary President Wilson Tan at Joey Sy at bagong World Table Tennis champion na si Keith Rhynn Cruz na pinagkalooban ng cash incentive.

CHESS

PALARO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with