Gandler, Herlen Budol kabilang sa PBA muses
MANILA, Philippines — Inaabangan na ang pagrampa ng kani-kanyang teams kasama ang magagandang muses sa PBA Season 48 Commissioner’s Cup opening day ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.
Magninining ang gabi tampok ang kani-kanyang muses ng 12 teams kabilang na si reigning Miss Philippines Tourism Herlene Nicole ‘Hipon Girl’ Budol na muse ng Blackwater.
Rarampa rin si dating Ateneo Lady Eages standout at Cignal HD Spikers outside hitter Vanie Gandler na magiging muse naman ng NLEX Road Warriors.
Si Heaven Peralejo ang muse ng Barangay Ginebra Gin Kings habang si Julie Anne San Jose naman ang para sa Magnolia Chicken Timplados.
Sa Talk ’N Text naman si Atasha Muhlach na anak nina Aga Muhlach at dating Miss Universe Philippines Charlene Gonzales-Muhlach.
Ang iba pang muses ay sina Kaizen Dela Cerna (Meralco), Yukii Takahashi (Phoenix), Franki Russel (San Miguel) Yskaela Yaena Fujimoto (Converge), Angel Santos (NorthPort), Mary Jane Encabo at Jennelle Noblezada (Rain or Shine), at Saira Khan (Terrafirma).
Magsisimula ang opening ceremony sa alas-5 ng hapon.
- Latest