^

PSN Palaro

NCAA Player of the Week Ry De La Rosa, malaking pasabog para sa JRU

Philstar.com
NCAA Player of the Week Ry De La Rosa, malaking pasabog para sa JRU
Ry De La Rosa ng JRU
NCAA/GMA

MANILA, Philippines – Nagbabalik mula sa injury, agad pinangunahan ni team captain Ry De La Rosa ang Jose Rizal University tungo sa ikatlong puwesto ng NCAA Season 99 bitbit ang 8-4 record.

Ibinalik ni De La Rosa ang kanyang pangalan sa mapa sa paglikom ng 10.67 points at 2.0 rebounds tampok ang mga krusyal na pasabog para sa Heavy Bombers sa huling dalawang laro laban sa San Sebastian College-Recoletos at Arellano.

Nagpakawala si De La Rosa ng anim na three-pointers laban sa Stags upang kumolekta ng 19 markers at apat na boards habang ang kanyang back-to-back triples sa mga huling sandali ng contest kontra Chiefs ay binuhat ang JRU tungo sa 79-74 panalo.

Sa ngayon ay pasok na sa Final Four picture ang Heavy Bombers kasunod ng primerang Mapua at segundang Lyceum habang naungusan ang San Beda na nasa ikaapat na ranggo na ngayon.

Bunsod nito, si De La Rosa ang tinanghal na Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week para sa petsa Oktubre 24 hanggang 29.

Tinalo ng 5-foot-10 guard sina Greg Caunan ng Lyceum, Jade Talampas ng Arellano, at Migs Oczong Benilde para sa lingguhang parangal tampok ang San Miguel Corporation bilang major sponsor at suportado ng Discovery Suites and Jockey bilang minor sponsors.

“Definitely getting there for sure, just have to continue and put in extra work. My teammates and my coaches are really not pressuring me to get back, and I'm glad that it was showing and I'm just very thankful to be in this position," ani De La Rosa.

“I'm glad I am playing with this group, these guys just know how to hold it down, they know the only way to win is to rely on one another and that's just our thing, continuing to show the brotherhood we have."

Si De La Rosa ay nagkaroon ng tahimik na first-round stint matapos magtamo ng head injury sa kanilang season opener laban sa reigning champion Letran at nagkasakit pagkatapos ng ilang araw na naging dahilan ng kanyang pagliban sa pitong laro.

Ang pagbabalik ni De La Rosa ay malaking tulong sa kampanya ng JRU na makatungtong muli sa Final Four sa unang pagkakataon mula noong 2017.

Ngunit nagbigay ng paalala si head coach Louie Gonzales na kailangan nilang alagaan ang kanilang momentum upang makumpleto ang misyon na ito.

"We really rely on each other and again, si Ry is just a byproduct na lang siya nung itinatakbo namin," sabi ni Gonzales.

"Pero gusto ko lang i-remind sila na itong kumpiyansa na nakuha namin, lahat ’to mapupunta into waste kung hindi namin aalagaan."

HEAVY BOMBERS

JRU

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with