^

PSN Palaro

Lady Bulldogs, Tams biyaheng semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Lady Bulldogs, Tams biyaheng semis
Iniskoran ni Riza Nogales ng UE si Minierva Maay ng NU sa semis ng Shakey’s Super League (SSL).
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nagposte si reigning SSL MVP Alyssa Solomon ng 13 points mula sa 11 hits, 1 ace at 1 block para tulungan ang reigning champion National University sa 25-19, 25-21, 25-23 pagsibak sa University of the East sa quarterfinals ng Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-Season Championship Season 2 kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Pasok ang Lady Bulldogs sa knockout semifinals kung saan nila lalabanan ang mananaig sa quarterfinals match ng Adamson Lady Falcons at Arellano Lady Chiefs.

“Ito papasok na ng semis, dapat huwag ka­ming magsawa sa pagkatuto every training. Kailangan pa naming mag-improve every game,” ani Solomon sa NU na winalis ang Pool E para sa ‘twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Nagdagdag sina da­ting UAAP Rookie-MVP Mhicaela Belen at rookie Arah Ellah Panique ng tig-10 points.

Samantala, swak din sa semis ang Far Eastern University, bumandera sa Pool F, matapos patalsikin ang Ateneo, 25-19, 25-18, 25-18.

Sasagupain ng Lady Tamaraws ang alinman sa NCAA champion College of St. Benilde Lady Blazers o University of Santo Tomas Tigresses sa knockout semis.

“Maglalaban pa UST and CSB so mapag-aaralan pa namin both teams kung ano strengths and weaknesses nila para maka-adjust kami. It will be a long preparation for us,” ani FEU interim mentor Manolo Refugia.

Noong Sabado ay tinalo ng St. Benilde ang may ‘twice-to-beat’ advantage na UST, 25-22, 23-25, 18-25, 25-23, 15-11.

Naglista si Faida Ba­kanke ng 18 points mula sa 15 attacks at 3 blocks para sa FEU na nauna nang binigo ang Ateneo sa eliminasyon, 22-25, 23-25, 25-20, 25-22, 15-10.

Bumanat si Kiesha Bedonia ng 10 points  para sa Lady Tamaraws.

ALYSSA SOLOMON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with