^

PSN Palaro

Dragonboat kasama sa 2023 PSC Batang Pinoy at PNG

Russell Cadayona - Philstar.com
Dragonboat kasama sa 2023 PSC Batang Pinoy at PNG
Philippine Canoe-Kayak and Dragonboat Federation (PCKDF) president Len Escollante (kanan) at coach Ringo Borlain sa TOPS 'Usapang Sports'.

MANILA, Philippines – Makakasama ang dragonboat sa mga events ng darating na 2023 Philippine Sports Commission (PSC) Batang Pinoy at Philippine National Games sa Disyembre.

Ito ang sinabi ni kahapon ni Philippine Canoe-Kayak and Dragonboat Federation (PCKDF) president Len Escollante sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

“Kami na ang magpo-provide ng mga bangka at mga equipment, sasagutin na lang ng PSC iyong logistics dahil medyo marami-raming bangka itong gagamitin,” ani Escollante.

Kabuuang 26 events ang nakalatag sa PSC Batang Pinoy at PNG na sabay na idaraos sa Disyembre 17 hanggang 22 at lalaruin sa mga venues sa Quezon City, Pasig City, Parañaque at Manila.

Nauna nang isinama ang dragonboat bilang exhibition event sa nakaraang 2023 Palarong Pambansa na idinaos sa Marikina City.

“Last Palarong Pambansa exhibition game ang dragonboat dahil talagang nagustuhan ni Mayor Marcy Teodoro iyong sports at next year’s Palaro sa Cebu kasama na rin tayo,” ani Escollante sa programang itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Samantala, magiging abala rin ang PCKDF sa mga local at international tournaments bago matapos ang taon.

Isasagawa ng PCKDF ang International Club tournament sa Nobyembre 13-17 sa Puerto Princesa, Palawan kasunod ang pagsabak ng national team sa isang event sa Penang, Malaysia sa Disyembre.

“Naibigay din sa atin ang hosting ng World qualifying meet next year kaya talagang busy tayo,” wika ni Escollante.

DRAGONBOAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with