Sen. Cayetano nakipaglaro ng padel tennis kay Obiena
![Sen. Cayetano nakipaglaro ng padel tennis kay Obiena](https://media.philstar.com/photos/2023/10/15/2_2023-10-15_21-17-42.jpg)
MANILA, Philippines — Sa pamamagitan ni World No. 2 pole vaulter Ernest John Obiena ay pormal na ipinakilala ang padel o padel tennis sa Philippine sports community.
Nakalaro ng 19th Asian Games gold medalist si sports benefactor Senator Pia Cayetano noong Biyernes sa Play Padel Courts sa Mandaluyong City.
“It’s very fulfilling to play this sport although I know that this is just the start of the long journey of padel sport here in our country,” wika ni Cayetano na pinangunahan ang dalawang local padel courts sa bansa sa BGC at Mandaluyong City.
Ang padel tennis ay pinagsamang lawn tennis at squash at nagmula sa Mexico.
Mas maliit ang padel court kumpara sa normal na tennis center habang ang gamit nang tennis balls ay pinatatalbog ng mga players sa pader.
Nilalaro ang padel ng dalawahan at ang iskor ay kapareho sa tennis.
Sabik naman si Obiena na subukan ang padel.
“It’s really different but I’m having fun because it’s something new. I believe this sport will become popular soon,” ani ng pole vaulter.
Ang padel ay isang social sport para sa lahat, ayon kay pioneering coach Bryan Casao.
“As more Filipinos are playing padel, more competitions will be held,” wika ni Casao na inihayag ang pagdaraos ng Padel Pilipinas League kamakailan.
- Latest