^

PSN Palaro

PUP boxer sumuntok ng gold sa ROTC NCR Leg

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PUP boxer sumuntok ng gold sa ROTC NCR Leg
Tinalo ni Florence Sumpay ng Polytechnic University of the Philippines si Raveklein Rubin ng City of Malabon University via Referee Stopped Contest (RSC) para pagharian ang 54-57 kilograms (featherweight) class ng Philippine Army bracket.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang nangangarap na maging miyembro ng Philippine national boxing team ang nagpakitang-gilas para kunin ang gold medal sa National Capital Region Leg ng 2023 Reserve Officers Training Corps (ROTC) Games kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Tinalo ni Florence Sumpay ng Polytechnic University of the Philippines si Raveklein Rubin ng City of Malabon University via Referee Stopped Contest (RSC) para pagharian ang 54-57 kilograms (featherweight) class ng Philippine Army bracket.

“Gusto ko pong maging miyembro ng Philippine team tapos maging professional boxer pagka-graduate ko,” sabi ng 21-anyos na Sports Science student ng PUP.

Umiskor din ng RSC si Justin Laurezo ng Olivarez College laban kay Clifford Abucejo ng Makati Science Technological Institute sa 48-51kg (flyweight) division.

Dinaig naman ni Manny Mabansag ng City of Malabon University si Ellyander Porneso ng Best Link of the Philippines sa 51-54kg (bantamweight) category.

Sa women’s volleyball, paglalabanan ng City of Malabon University at Rizal Technological University ang gold sa Philippine Army division ngayong hapon.

Tinalo ng mga CMU spikers ang Makati Science Technological Institute, 14-25, 25-13, 25-18, 25-17, sa semifinals.

Giniba ng RTU ang PUP, 25-5, 25-11, 25-15, sa isa pang smeis match.

ROTC

RSC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with