^

PSN Palaro

Sariling training venue hiling ng Philippines sepak takraw team

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Sariling training venue hiling ng Philippines sepak takraw team
Ibinahagi nina Jason Huerte at Ronsited Gabayeron ang kanilang pinagdaanan sa pagkuha ng bronze medal sa katatapos na 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa TOPS ‘Usapang Sports.
STAR/ File

MANILA, Philippines —Inaasahan ng Philippine Sepak Takraw Fe­deration na matutulungan sila ng pribadong sektor na magkaroon ng permanenteng training venue matapos ang respetadong kampanya sa nakaraang 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Dalawang bronze me-dal ang hinakot ng national sepak takraw team sa nasabing quadrennial event para idagdag sa 10 pang bronze ng Pilipinas.

Ito ang unang medalya ng bansa sa sepak takraw mula nang maging regular sports ito noong 1990 Asian Games.

“Alam naming napakahirap ilapit sa pribadong sektor ang sepak takraw, pero ginagawa naman ng aming president na si Ms. Karen Tanchanco na makakuha ng suporta,” ani national team member Jason Huerte sa TOPS Usapang Sports na inihahandog ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

“Pinakamahirap na challenge sa amin, wala kaming permanenteng gym para sa training. Palipat-lipat kami at nakiki-share sa tennis court sa Dacudao. Pero wala sa amin ito dahil determinado kaming umangat sa sports,” dagdag ng Philippine Navy enlisted officer.

Bukod kay Huerte, kasama rin sa dalawang Hangzhou Asiad bronze medal teams sina Ronsited Gabayeron, Mark Joseph Gonzales, Rheyjey Ortouste at Jom Rafael.

Nakatakda silang tumanggap ng cash incentives mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Matapos sa Hangzhou Asiad ay sasabak ang sepak takraw squad sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa Pebrero sa Thailand at sa 33rd Southeast Asian Games sa 2025 kung saan target nilang lagpasan ang dalawang silver sa Cambodia edition noong Mayo.

“Tuluy-tuloy po kami sa training kahit palipat-lipat. Hopefully, makakuha kami ng mga batang players na makakasama namin sa future tournament sa abroad,” ani Gaba­yeron.

Sa kabila ng kawalan ng permanenteng trai­ning venue, kumpiyansa si Gaba­yeron na makakamtan ng sepak takraw ang marami pang kara­ngalan sa torneo abroad.

Gagamitin naman ng sepak takraw association ang darating na PSC Batang Pinoy at Philippine National Games para makapili ng mga babaeng players.

SEPAK TAKRAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with