^

PSN Palaro

Ateneo target ang ika-2 dikit

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dadagitin ng nagdedepensang Ateneo ang ikalawang sunod na panalo na hangad din ng Adamson University sa kanilang upakan sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament.

Ngayong alas-11 ng umaga maghaharap ang Blue Eagles at Falcons kasunod ang banatan ng University of the Philippines Fighting Maroons at National University Bulldogs sa ala-1 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Magtatagpo sa alas-3 ng hapon ang University of Sto. Tomas Growling Tigers at La Salle Green Archers  habang ang laban ng Far Eastern University Tamaraws at University of the East Red Warriors sa alas-5 ang magsasara ng mga aksyon.

Magkasosyo sa liderato ang UP at NU sa kanilang 2-0 record kasunod ang Ateneo (1-1), UE (1-1), Adamson (1-1), La Salle (1-1), UST (0-2) at FEU (0-2).

Umiskor ang Blue E­agles ng 77-72 panalo sa karibal na Green Archers sa likod ng game-high 19 points ni Chtis Koon.

Nakuha rin ng Falcons ang una nilang panalo sa dramatikong 79-76 overtime win sa Growling Tigers tampok ang pagbibida ni Joem Sabandal.

ATENEO

SMART ARANETA COLISEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with