^

PSN Palaro

Missing in action

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

HANGZHOU--Sa dami na ng na-koberan natin na international events ng Philippine team mula SEA Games, Asian Games at Olympics, ngayon lang ito nangyari.

Dehins dumating ang ating chef-de-mission or ang parang tumatayong pinuno ng delegasyon.

Maraming sports officials na kasama pero ang CDM ang nagiging in charge sa mga athletes and coaches from start to finish. Para kang barangay chairman.

Pero bakit nga ba dehins sumipot si Richard Gomez sa opening ceremony ng 19th Asian Games dito?

Busy daw kasi ang sikat na aktor at fencing president at congressman ng Leyte. May budget hearing daw sa Kongreso.

Aruy!

Well, kung ‘yun ang dahilan niya, eh di ‘yun.

Ewan ko lang dahil first time ito nangyari. Prestigious na posisyon ang CDM at halos magpakamatay ang iba makuha lang ang appointment mula sa POC president.

Kung pwede lang magbayad, maraming magbabayad para sa pwesto at makasama sa parada sa opening ceremony lalu na kung Olympics.

Pero iba si Goma. Dehins sinipot.

Pinaubaya sa 3 deputy ang trabaho. Maraming tumaas ang kilay dito sa absence niya.

Hanggang Oct. 8 pa naman ang Asian Games. So, pwede pa siyang humabol.

Kung gusto, kaya.

SEA GAMES

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with