Heavy Bombers umeskapo sa Knights sa OT
MANILA, Philippines — Kinailangan ng Jose Rizal University ng extra period para talunin ang three-time champion Letran sa overtime, 85-79, sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Nagsalpak sina Agem Miranda at Marwin Dionisio ng tig-17 points at may 12 markers si Shawn Argente para sa 1-0 baraha ng Heavy Bombers.
Pinamunuan ni Kurt Reyson ang Knights sa kanyang 18 points habang may 16 at 12 markers sina Kevin Santos at rookie Deo Cuajao, ayon sa pagkakasunod.
Naging mainit ang bakbakan ng dalawang koponan mula sa first period hanggang ipasok ni Vince Cuajao ang krusyal na three-point shot na nagdala sa Letran sa extra period.
Ang triple ni Marwin Dionisio ang kaagad nagbigay sa Jose Rizal ng three-point lead bago kunin ang 82-79 abante sa huling 30 segundo ng laban.
Palyado ang tangkang tres ni Kyle Tolentino sa posesyon ng Knights na giniyahan ni bagong coach Rensy Bajar kapalit ni Bonnie Tan.
Sa kabuuan ng laro ay natawagan ang ‘three-peat’ champions ng masaklap na 29 turnovers.
- Latest