^

PSN Palaro

Team Philippines handa nang sumabak sa ASIAD

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Team Philippines handa nang sumabak sa ASIAD
Pinamunuan nina Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Cong. Robbie Puno at ABAP chairman Ricky Vargas ang isang send-off dinner para sa 19th Hangzhou Asian Games-bound national boxers at coaches sa pa-mumuno nina Tokyo Olympics silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze medal winner Eumir Felix Marcial. Dumalo rin sa okasyon sina ABAP secretary-general Marcus Manalo, ABAP treasurer Karina Picson at nutritionist Jeaneth Aro.
ABAP photo

MANILA, Philippines — Handang-handa nang sumabak sa kanilang mga events ang mga miyembro ng Philippine delegation sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Kabilang sa mga ito ay sina 2018 Asiad gold me­­dalist Margielyn Didal, fencer Juliana Gomez, ang mag-utol na archers na si­na Pia Elizabeth Angel at Gabrielle Monica Bidaure at ang national women’s football team na Filipinas.

Isa ang Pinay skateboarder na si Didal sa mga atletang nag-uwi ng apat na gold medals noong 2018 sa Indonesia.

Halos isang taon hindi sumalang sa mga torneo ang Cebuana skater matapos magkaroon ng fractured ankle noong Oktubre ng 2022 Red Bull Stake Le­vels sa Brazil.

Sa kabila nito ay kumpiyansa ang 24-ayos na si Didal na makakakuha siya ng medalya sa Hangzhou Asiad.

“Iyong goal is be here, make the finals, and podium,” sabi ni Didal.

Noong 2019 Manila Southeast Asian Games ay nagbulsa si Didal ng da­­la­wang gintong medalya.

Maliban kay Didal, ang iba pang kumu­ha ng tatlong ginto noong 2018 edition ay sina Tok­yo Olympic weightlifting champion Hidilyn Diaz-Na­ranjo at golfers Yu­ka Saso (individual at team event), Bianca Pagda­nganan at Lois Kaye Go.

Ito naman ang unang pag­­lahok ni Gomez, anak ni actor/sportsman at Team Philippines Chef De Mission Richard Gomez, sa Asiad.

Sasabak ang 22-anyos na si Gomez, ang UAAP gold medalist, sa women’s epee event.

Ang gintong medalya rin ang target ng magkapatid na Bidaure sa kanilang paglahok sa individual at women’s team event ng Olympic recurve.

Sina Pia Elizabeth Angel at Gabrielle Monica ay miyembro ng koponang pumana ng gold medal sa Vietnam SEA Games.

Samantala, makakatapat ng Filipinas ang Hong Kong ngayong alas-4 ng ha­pon sa Wenzhou Sports Centre Stadium.

Matapos ang Hong Kong ay lalabanan ng Nationals, sumabak sa 2023 FIFA World Cup, ang Korea sa Lunes at ang Myanmar sa Huwebes.

ASIAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with