^

PSN Palaro

Gilas boys binoldyak ng China

JBulanday - Pilipino Star Ngayon
Gilas boys binoldyak ng China
Nauwi sa wala ang 20 points, 8 rebounds at 3 assists ni Kieffer Louie Alas, anak ng batikang coach na si Louie at kapatid ni PBA star Kevin ng NLEX Road Warriors, sa maalat na unang sabak ng Nationals.

MANILA, Philippines — Pumalag ang Gilas Pilipinas boys sa una subalit tumiklop din sa higanteng China, 84-67, sa pagsisi­mula ng 2023 FIBA U16 Asian Championship kaha­pon sa Al-Rayyan Indoor Hall sa Doha, Qatar.

Nauwi sa wala ang 20 points, 8 rebounds at 3 assists ni Kieffer Louie Alas, anak ng batikang coach na si Louie at kapatid ni PBA star Kevin ng NLEX Road Warriors, sa maalat na unang sabak ng Nationals.

Nag-ambag din ng 13 at 12 markers sina CJ Amos at Kurt Nathan Velasquez, ayon sa pagkakasunod, su­balit kapos pa rin para sa Gilas boys na nakipagsaba­yan sa first half.

Umabante sa 43-40 ang Nationals at dikit lang sa 43-44 sa halftime subalit nagkasya lang sa 24 points sa kabuuan ng second half tampok tungo sa 17-point loss sa mga Chinese.

Hawak ang 0-1 kartada, susubok ang Gilas na makabawi kontra sa Kazakshtan ngayon upang ma­panatiling buhay ang pag-asang makapasok sa susunod na round.

Sunod nilang makaka­sagupa ang Malaysia na tinalo ang Kazakhstan, 79-71, upang makasosyo sa liderato ng Group D ang China.

Ang top team lamang sa bawat grupo ang aabante sa quarterfinals, habang lalaban sa qualifi­cation ang No. 2 at No.3 teams.

Laglag naman ang No. 4 team.

Misyon ng Nationals ni head coach Josh Reyes na malagpasan ang 7th place finish noong nakaraang edisyon na ginanap din sa Doha.

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with