^

PSN Palaro

Gilas men, women sabay sa ensayo

John Bryan Ulanday - Philstar.com
Gilas men, women sabay sa ensayo
Ayon sa anunsyo ni Gilas men’s team head coach Tim Cone, sabay sa iisang court sa Philsports Arena sa Pasig City ang parehong Philippine basketball teams at bukas din ang publiko na mapanood ito.
File

MANILA, Philippines – Sa isang pambihirang pagkakataon ay sabay na magsasanay ang Gilas Pilipinas men’s at women’s teams bilang paghahanda para sa 2023 Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre 28 hanggang Oktubre 8.

Ayon sa anunsyo ni Gilas men’s team head coach Tim Cone, sabay sa iisang court sa Philsports Arena sa Pasig City ang parehong Philippine basketball teams at bukas din ang publiko na mapanood ito.

Walang bayad ang ticket sa training ng dalawang koponan simula alas-4 ng hapon na marahil ay unang beses pa lang mangyayari sa kasaysayan.

“Gilas Men's Team will have a joint practice with Gilas Women's Team. We will share the court and have interactions between both teams. The public is free to come and observe. The gates will open at 4 pm. No tickets necessary,” ani Cone.

Si Cone, na assistant ni Chot Reyes sa 2023 FIBA World Cup, ang bagong head coach ng Gilas sakto naman sa kanyang pagbabalik sa Asian Games simula noong 1998, kung kailan huling nagka-medalya ang koponan bitbi ang tanso.

Nagkataon namang noong 1998 din huling sumabak ang Philippine women’s team sa Asian quadrennial tourney bago ang makasaysayan nilang joint training bukas kasama ang men’s team.

Gaya ng men’s team na hinihintay pa ang desisyon ng Hangzhou Asian Games Organizing Committee sa pagbabago ng line-up na unang ipinasa sa Phiippine Olympic Committee ay maaari ring magbago ang sa women’s team.

Si head coach at program director Pat Aquino ang gumagabay sa women’s team na sa Aero Center sa Quezon City tampok ang mga beteranong sina Jack Animam, Afril Bernardino at Janine Pontejos.

Sa men’s team naman ay bida sina World Cup holdovers June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Japeth Aguilar at Roger Pogoy kasama sina naturalized players Justin Brownlee at Ange Kouame.

Swak din dito sina Chris Newsome, Calvin Oftana, Stanley Pringle, Jason Perkins at Mo Tautuaa pati ang nagbabalik-Gilas na sina Calvin Abueva at Terrence Romeo.

vuukle comment

GILAS

GILAS PILIPINAS

GILAS WOMEN

TIM CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with