^

PSN Palaro

Italy swak sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Italy swak sa quarterfinals
Italy's Simone Fontecchio is greeted by his teammates.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Ibinulsa ng Italy ang quarterfinals ticket matapos talunin ang Puerto Rico, 73-57, sa second round ng 2023 FIBA World Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humataw sina Giampaolo Riccia at Stefano Tonut ng tig-15 points para pamunuan ang mga I­talians sa ikaapat na panalo sa limang laro kasunod ang Serbia (3-1), Dominican Republic (3-1) at Puerto Rico (3-2) sa Group I.

Kumolekta si Utah Jazz forward Simone Fontecchio ng 12 points at 12 rebounds

Ito ang unang quarterfinals appearance ng Italy sa World Cup sapul noong 1998.

Gagawin ang quarterfinals sa MOA Arena sa Pasay City.

Nalasap ng mga Puerto Ricans ang kanilang pang-13 kabiguan sa 14 nilang paghaharap ng mga Euro­peans, ang pito rito ay sa World Cup.

Ang nag-iisang ta­gum­pay ng Puerto Rico sa Italy ay noong 1963 world championship edition.

Ang iba pang swak sa quarterfinals ay ang USA (4-0) at Lithuania (4-0) sa Group J at ang Slovenia (4-0) at Germany (4-0) sa Group K.

PUERTO RICO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with