Librong ‘When We Were Champions’ sakto sa kampanya ng Gilas sa World Cup
MANILA, Philippines — Sa librong “When We Were Champions” ay mababasa ang mga kuwento ng ating mga ninuno tungkol sa Philippine basketball pati na ang unang beses na inilaro ito sa bansa.
Ito ang paglalarawan ng may akdang si Noel Albano na pamosong sportswriter at dating newspaper managing editor.
“In this book you will read about the tales by our elders. The great Philippine teams of the ‘50s and ‘60s and further back to 1911. It covers a period of six decades (until 1973),” ani Albano sa pagbisita niya sa Philippine Sportswriters Association Forum (PSA) noong Martes sa Rizal Memorial Sports Complex.
Idinagdag naman ni dating Valderrama, Antique Mayor Ray Roquero, isang dati ring sportswriter, na 10 taon ang ibinuhos na panahon sa pagbuo sa nasabing libro.
“It’s a labor of love – 10 years in the making. It’s about time we write a book about the history of Philippine basketball,” wika ni Roquero na tumulong sa pagpapalimbag ng libro katuwang si Anak Kalusugan Partylist Rep. Ray Florence Reyes.
Ang susunod na plano ay ang paglalabas ng “When We Were Champions” sa mga leading bookstores at pagkatok sa pintuan sa Department of Education para sa posibilidad na maipahagi ito sa mga schools, colleges at universities nationwide.
Ang libro ay magdadala sa mga readers pabalik sa mga Far Eastern Games at Asian Games, sa 1936 Berlin Olympics at 1954 World Championships.
- Latest