Record-breaking FIBA World Cup attendance, inaasahan sa 'Pinas
MANILA, Philippines — Malapit nang maging record-breaking ang bilang mga dadalo sa FIBA Basketball World Cup opening match na gaganapin sa Pilipinas sa darating na August 25.
Binaggit ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa isang forum nitong August 15 na 28,000 na ang tickets na nabenta sa opening match sa pagitan ng Gilas Pilipinas at ng Dominican Republic.
Nasa 4,700 na tickets na lamang ang kailangan bago nito mabiyak ang gate attendance record na nakamit noong 1994 sa Toronto nang higit 32,616 ang dumalo.
Dagdag pa ni Al Panlilio, pangulo ng SBP, na layunin nilang lagpasan ang gate attendance record sa Philippine Arena na naabot ng Game 7 ng 2023 PBA Commissioner's Cup finals sa pagitan ng Ginebra at Bay Area kung saan 54,589 ang nanood.
“We're confident that we can breach that,” pahayag ni Panlilio sa Special Philippine Sportswriters Association Forum nitong August 15.
JUST IN: The SBP said that 28,000 tickets have already been sold for the FIBA World Cup opening between Gilas Pilipinas and the Dominican Republic on Aug. 25 in Philippine Arena.
— John Bryan Ulanday (@bryanulanday) August 15, 2023
32,616 is the FIBA gate attendance record in the 1994 Toronto edition.@PhilippineStar
Sabi rin ni Panilio na handa na ang bansa na mag-host at salubungin ang mga delegasyong darating na sa Pilipinas sa darating na mga araw.
“Some of the FIBA officials and delegations are arriving this weekend…The FIBA Congress will start on 22nd before the games with over 200 officials.”
"We’re at 95%... The last 5% is similar to the last 2 mins of a basketball game, it's the most important," dagdag pa ni Erika Dy, SBP deputy event director.
Gaganapin ang nasa 52 laro ang iho-host sa Philippine Arena, Araneta at MOA Arena sa loob ng 16 na araw at higit 600,000 na tickets ang nakalaan dito.
Sa kabila nito, binanggit na ang pinakamalaking goal sa World Cup na ito ang pagiging top Asian finisher ng Pilipinas upang maka-qualify sa 2024 Paris Olympics.
"Kaya natin. Kakayanin. That's the goal," saad pa ni Panlilio.
Kai Sotto maglalaro rin
Kaugnay nito, binanggit din ni Panlilio na cleared nang maglaro si Kai Sotto matapos makausap ang mga doctor ukol sa kanyang back injury.
“Our doctors spoke yesterday and he’s been cleared to play. That is good news. Again, we’re looking forward to seeing him play also in the friendlies, so everybody could get ready for the start [of the world cup,]” sabi ni Panlilio.
Magsisimula ang mga laro ng World Cup sa August 5 hanggang September 10 at magaganap sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, Indonesia, at Japan. — intern Matthew Gabriel at may mga ulat mula kay The STAR/John Bryan Ulanday
- Latest