^

PSN Palaro

Tapales-Inoue unification fight sa Nobyembre

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng itakda sa Nobyembre ang unification championship fight nina Filipino super bantamweight champion Marlon Tapales at Japanese titlist Naoya Inoue.

Sina MP Promotions president Sean Gibbons at Hideyuki Ohashi, ang manager at promoter ni Inoue, ang magpapalantsa ng nasabing laban na inaasahang magiging Fight of the Year.

Pangarap ng tubong Tubod, Lanao del Norte na maging kauna-unahang undisputed Pinoy world champion.

“I want to fight Inoue. I want to prove to myself that I’m a champion,” wika ni Tapales, may 37-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 19 knockouts, na personal na pinanood ang eight-round KO win ni Inoue (25-0-0, 22 KOs) kay American Stephen Fulton (21-1-0, 8 KOs) noong Miyerkules sa Tokyo, Japan.

Suot ng 31-anyos na si Tapales ang kanyang mga World Boxing Association (WBA) at International Bo­xing Federation (IBF) super bantamweight crowns.

Napasakamay naman ng 30-anyos na si Inoue ang World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) belts matapos talunin si Fulton.

Dalawang beses tinalo ni Inoue si dating four-division king Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire Jr. sa kanyang pagdomina sa bantamweight class bago umakyat sa super bantamweight division noong E­nero.

NAOYA INOUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with