^

PSN Palaro

Ubas pinitas ang gold sa Italy

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinulsa ni Pinoy long jumper Janry Ubas ang gold medal sa Triveneto Meeting Internazionale sa Trieste, Italy.

Nagtala ang 32nd Southeast Asian Games champion ng 7.72 meters para sapawan ang 7.71m ni Olympian Lester Lescay Gay ng Cu­ba.

Pumangatlo si Thapelo Monaiwa ng Botswana na may 7.54m para sa bronze.

Nauna nang nilundag ni Ubas ang una niyang gintong medalya sa nakaraang Motonet Grand Prix sa Lappeenranta, Finland.

Inilista niya ang kanyang winning leap at tournament-best na 7.86m.

Nakatakdang sumalang si Ubas sa isang torneo sa Stuttgart, Germany sa Hul­yo 29.

Kasunod nito ang pag­sa­sara ng qualification window para sa world cham­pionship.

Hangad ng World No. 53 na si Ubas na makaipon ng ranking points na magbi­bigay sa kanya ng tiket para sa 2023 World Championships na nakatakda sa Agosto 19 hanggang 27 sa Budapest, Hungary.

Tanging ang Top 36 athletes lamang ang maglalaro sa world meet.

Pasok na sina World No. 2 pole vaulter EJ Obie­na at Fil-American hurdler Robyn Brown.

vuukle comment

CHAMPION

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with