^

PSN Palaro

E-Painters paghahandaan ang Jones Cup

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang magandang ipinakita sa PBA On Tour ay sasa­bak ang Rain or Shine sa 2023 William Jones Cup sa Taipei.

Para makasabay sa mga foreign teams sa tor­neong nakatakda sa Agosto 12 haggang 20 ay hi­nugot ng Elasto Painters si Gilas Pilipinas naturalized center Ange Kouame.

“Excited naman kami. I’ll give the guys maybe one week of rest and then patuloy na kami sa paghahanda ng Jones Cup,” wika ni coach Yeng Guiao sa pa­nayam sa ‘Power and Play’. “This time, kasama na namin si Ange Kouame.”

Ang 6-foot-10 na si Kouame ang dedepensa sa shaded lane katuwang si­na veterans Beau Belga at Jewel Ponferada.

Magbabalik ang Jones Cup sa eksena matapos mawala ng tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kakatawanin ng Rain or Shine ang Pilipi­nas sa isang international tournament.

Noong 2018 Asian Games ay naglaro ang ha­los buong line-up ng Elasto Painters at tumapos na pang-lima sa 3-2 kartada.

Sa pagsabak sa Jones Cup ay anim na korona ang inangkin ng Pinas, ang huli ay noong 2019 sa pama­ma­gitan ng Mighty Sports.

“Gusto naming matuto, ma-experience ng mga lo­cals namin kung gaano ka­tindi ang competition dito (Jones Cup),” dagdag ni Guiao.

PBA

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with