Sanchez masusubukan sa Asiad
MANILA, Philippines — Masusubukan ang husay ni Fil-Canadian Kayla Sanchez sa kanyang pagbandera sa 394 national athletes sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Lalangoy si Sanchez sa limang events sa swimming competition ng quadrennial event na nakatakda sa Setyembre 24 hanggang Oktubre 8.
Kumpiyansa si Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sa kakayahan ng 22-anyos na lady tanker.
Sa nakaraang Tokyo Olympics ay kasama si Sanchez sa Canadian team na sumikwat ng silver medal sa women’s 4x100 m freestyle relay.
Noong 2018 Asian Games na idinaos sa Jakarta at Palembang, Indonesia ay apat na gold medals ang hinakot ng Pilipinas.
Ang mga ito ay nagmula kina Tokyo Olypics champion Hidilyn Diaz-Naranjo sa weightlifting, Margielyn Didal sa skateboarding at Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go sa women’s individual at team golf.
May dalawang silvers at 15 bronzes din ang delegasyon.
Sinabi ni Tolentino na umabot sa 400 ang naunang bilang ng mga atletang ilalaban sa Hangzhou Asiad.
“The number reached 400 but was later trimmed down after a series of deliberations by the POC and the national sports associations,” wka ni Tolentino sa resulta ng General Assembly.
Lalahok 395 atleta sa 37 sa kabuuang 40 sports.
- Latest