^

PSN Palaro

Dragon boat, golf, table tennis sa TOPS ‘Usapang Sports’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang mga pinakahuling balita sa golf, dragon boat at table tennis ang pag-uusapan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayon sa Philippine Sports Commission (PSC) Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Vito Cruz, Malate, Manila.

Makakasama ni event organizer Darren Eva­ngelista si Pasay City First Gentleman Edgardo ‘Egay’ Rubiano sa programa sa ganap na alas-10:30 ng umaga para talakayin ang idaraos na golf tournament at iba pang sports prog­ram ng Pasay City.

Ibibida naman ni Philippine Canoe-Kayak Fe­deration (PCKF) secretary general Len Escollante ang matagumpay na kampan­ya ng Philippine team sa abroad at ang pakikipagkasundo sa Marikina City at Palawan City para sa isasagawang mga international hosting at tournaments.

Sasamahan naman ni Table Tennis Federation chief Ting Ledesma sa programang itinataguyod ng PSC, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweats ang mga pambatong table netters na humakot ng medalya sa katatapos na SEA Junior Championship sa Brunei.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng PSNgayon/PM ang mga mi­yembro at sports enthusiasts na makiisa sa talaka­yan na mapapanood din sa official Facebook page ng TOPS via livestreaming at sa Channel 8 at 45 ng Pinoy Ako (PIKO) broadcast mobile apps.

PSC

TOPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with