Harden ite-trade ng 76ers?
PHILADELPHIA - Ginamt ni 76ers’ guard James Harden ang kanyang $35.6 million contract option para sa susunod na season.
Ngunit puwedeng i-trade ng Philadelphia ang veteran scorer.
Maaari sanang tanggihan ng 33-anyos na si Harden ang option at subukan ang free agency.
Bagama’t hindi pa malinaw kung ite-trade ng koponan si Harden ay nagsabi naman ang tinaguriang “The Beard” na gusto niyang manalo ng NBA championship sa Philadelphia man o sa ibang title contender.
Pinamunuan ni Harden ang NBA sa assists sa nakaraang season sa kanyang average na 10.7 per game.
Sa Sacramento, mananatili sa KIngs si forward Harrison Barnes matapos pumayag sa isang three-year, $54 million contract.
Nagposte si Barnes ng average na 15.0 points sa nakalipas na season para sa Sacrameto sa likod nina De’Aaron Fox, Domantas Sabonis at Kevin Huerter.
Ito ang magiging ikaanim na season ni Barnes para sa Kings na tinalo ng Golden State Warriors sa nakaraang playoffs.
Sa Chicago, ginamit ni veteran center Andre Drummond ang kanyang player option para manatili sa Bulls sa susunod na season.
Ngaposte ang 29-anyos na two-time All-Star ng mga averages na 13.2 points at 12.7 rebounds sa loob ng 11 seasons para sa Detroit, Cleveland, Los Angeles Lakers, Philadelphia, Brooklyn at Chicago.
- Latest