Marcial delikado sa Paris Olympics
MANILA, Philippines — Posibleng hindi makasuntok si Tokyo Olympic Games bronze medalist Eumir Felix Marcial sa 2024 edition sa Paris, France.
Tinanggal kasi ang nilalaruang middleweight division ni Marcial sa mga weight categories sa 2024 Paris Olympics.
Ngunit maaari pang lumaban ang tubong Zamboanga City sa nasabing quadrennial event kung bababa o aakyat siya ng timbang.
“So, you’re basically going from where he fought at 165 to 185 or something. That’s a huge problem,” ani MP Promotions president Sean Gibbons sa panayam sa “Power and Play” program ni Noli Eala.
Plano ng 25-anyos na si Marcial na lumaban sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.
Ito kasi ay isang qualifying tournament para sa 2024 Paris Olympics
“To me, that’s the biggest problem. The problem is not going to the Asian Games,” dagdag pa ni Gibbons, ang namamahala sa professional career ni Marcial.
- Latest