Philippines women’s team pang-7 sa AVC
MANILA, Philippines — Tumapos sa pang-pito ang Philippine national women’s team matapos ang 25-14, 13-25, 25-18, 25-18 pagdaig sa Uzbekistan sa 2023 AVC Challenge Cup for Women sa Indonesia kahapon.
Bumandera para sa koponan ang mga pambatong sina Faith Nisperos, Aiza Maizo-Pontillas, Shaya Adorador, Mich Cobb at Roma Doromal.
Nauna nang nakalasap ang national squad ng 20-25, 13-25, 16-25 kabiguan sa Iran noong Sabado.
Noong Biyernes ay natalo rin ang mga Pinay spikers sa Australia, 18-25, 22-25, 25-21, 20-25, na naglaglag sa kanila sa classfication round.
Bago ang dalawang sunod na kamalasan ay umiskor muna ng panalo ang Nationals laban sa Macau at India.
Ang seventh place finish sa torneo ang nag-angat sa Pilipinas sa ika-57 mula sa ika-120 sa pinakabagong FIVB Women’s Volleyball world rankings.
Pang-siyam ang mga Pinay sa Asya.
- Latest