^

PSN Palaro

Bornea kukunin ang korona ni Martinez

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bornea kukunin ang korona ni Martinez
Sina world super flyweight champion Fernando Martinez (kaliwa) ng Argentina at Pinoy challenger Jade Bornea (kanan).
Jhay Otamias

Ancajas sasagupain naman si Soto sa isang 8-rounder

MANILA, Philippines — Ito ang isang pagkaka­taon na hindi maaaring pakawalan ni Jade Bornea.

Tatangkain ni Bornea na agawin kay reigning champion Fernando Marti­nez ng Argentina ang suot nitong International Boxing Federation (IBF) super fly weight crown ngayong umaga (Manila time) sa Armory sa Minneapolis.

“I know that I can’t waste this opportunity to become world champion,” sabi ng 28-anyos na si Bornea na may bitbit na 18-0-0 win-loss-draw ring record tam­pok ang 12 knockouts.

Sakaling manalo ay si Bor­nea ang magiging ikalawang lehitimong world bo­xing champion ng Pilipinas matapos si IBF at World Bo­xing Association (WBA) super bantamweight king Marlon Tapales (37-3-0, 19 KOs).

Taglay naman ng 31-anyos na si Martinez ang malinis ring 15-0-0 card kasama ang walong KOs.

Parehong pasado ang dalawa sa weigh-in kahapon kung saan tumimbang si Bornea ng 115 pounds, habang 114 1/2 pounds si Mar­tinez.

Nangako ang tubong General Santos City na gagawin niya ang lahat para maibalik sa Pilipinas ang nasabing IBF title.

Ngunit patutunayan ni Martinez na siya pa rin ang patuloy na magsusuot ng ko­rona.

“I’m going to put on a show and prove to everyone that I’m not only the champion, but the champion who’s going to be there for years to come,” wika ng Argentine champion.

Si Martinez ang uma­gaw sa IBF super flyweight belt ni Jerwin Ancajas via una­nimous decision noong Pebrero 26, 2022.

Bigo rin si Ancajas na mabawi ang IBF title kay Martinez sa kanilang rematch noong Oktubre 8 ng pa­rehong taon.

Si Charlie Fitch ang ta­tayong referee at sina Mike Fitzgerald, Jerome Jakubco at Zac Young ang magsisilbing mga judges.

Sasalang naman sa undercard ang 31-anyos na si Ancajas (33-3-2, 22 KOs) laban kay Wilner Soto (22-12-0, 12 KOs) ng Colombia para sa isang eight-round, non-title super bantamweight fight.

FIGHT

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with