^

PSN Palaro

PhilCycling National Championships for Road pakakawalan sa Tagaytay City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Higit sa 700 riders ang papadyak sa PhilCycling National Championships for Road na pakakawalan sa Martes sa Tagaytay City.

Sasalang ang mga siklista sa criterium, individual time trial at road race.

Si Philippine Olympic Committee (POC) at PhilCycling president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang mangunguna sa flag off ng unang criterium race sa alas-8 ng umaga sa Praying Hands monument.

Kasama sa kalendaryo ng International Cycling Union at may basbas ng Asian Cycling Confederation, bibitawan ang ITT races sa Miyerkules kasunod ang women’s individual road race sa Huwebes at ang men’s road race sa Biyernes.

Ang mga karera ay sa men at women Youth (under 16), Juniors (17-18), under 23 at Elite categories.

Ang annual four-day championships na inihahandog ng Standard Insurance at ng MVP Sports Foundation at suportado ng Chooks-to-Go at Excellent Noodles ay isa sa mga kriterya sa pagpili ng mga miyembro ng national men at women road teams.

Itinataguyod ng POC, Philippine Sports Commission, 7-Eleven at ng CCN, ang karera ay isasagawa sa pakiki­pagtulungan sa Tagaytay City, Eighth District ng Cavite, First District ng Batangas, City of Calaca at ng mga Municipalities ng Nasugbu, Tuy, Balayan, Agoncillo, Laurel at Lian at sa Philippine National Police at Batangas Red Cross.

PHILCYCLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with