Pagkakaisa panawagan ni Buhain
MANILA, Philippines — Nanawagan ng pagkakaisa kahapon si Philippine Swimming Inc. (PSI) secretary general Eric Buhain para sa pagbuo ng programa at pagtuklas ng mga batang talento.
Kamakalawa ay kinilala ng World Aquatics si Buhain at si PSI president Michael Vargas kasama ang mga miyembro ng Board of Trustees.
Sinabi ni Buhain, ang 1st District representative ng Batangas at premyadong swimmer sa kanyang panahon, na ito na ang simula ng panibagong bukas ng Philippine swimming.
“The storm has passed for Philippine swimming and, as we now see calm waters, we must set our sails for a new and promising voyage for our young and skilled Filipino swimmers,” ani Buhain. “Join, one and all, and fly the national colors as one ship.”
Idinagdag ng dating Olympian na dapat nang tutukan ang kinabukasan ng Philippine swimming imbes na balikan ang nakaraan.
“Let’s now dwell in the bad experiences we’ve had in the past but take note of them to serve as our reminders on how to best serve this new association and our young pool of talents,” sabi ng dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman.
Sasailalim sa isang transition period ang lahat ng mga opisyal at miyembro ng PSI bago magsagawa ng regular elections sa ilalim ng charter ng PSI sa 2025.
Samantala, magdaraos ang PSI ng national tryouts sa Luzon para sa mga miyembro ng Team Philippines na ilalahok sa Southeast Asian Age Group swimming championship sa Hulyo 7-9 sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Rizal Memorial Sports Center sa Vito Cruz, Manila.
- Latest