^

PSN Palaro

Pinoy na boksingero patay matapos mag-collapse sa ring, ma-comatose

Philstar.com
Pinoy na boksingero patay matapos mag-collapse sa ring, ma-comatose
Boxer Kenneth Egamo is stretchered off after collapsing at the Imus Sports Gymnasium in Imus, Cavite last Saturday, where he fought and defeated Jason Facularin.
Wendell Alinea/MP Promotions

MANILA, Philippines — Tuluyan nang binawian ng buhay ang Sarangani bantamweight na si Kenneth Egano matapos ma-comatose pagka-panalo sa kanyang laban nitong Sabado sa Imus, Cavite.

Miyerkules nang mamatay si Egano, 22-anyos, dahil ng head injuries na tinamo matapos ang walong rounds laban kontra sa kapwa Pinoy na si Jason Facularin.

"Ang buong ahensya ng Games and Amusements Board (GAB) ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng professional boxer na si Kenneth Egano," sabi ng Games and Amusements Board sa isang paskil sa Facebook kahapon.

"Kami po ay nakikiramay sa pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan ni Kenneth. May his soul rest in peace."

 

 

Una nang nag-collapse si Egano habang inaantay ang opisyal na resulta ng kanyang laban, dahilan para isugod siya sa Imus Doctors Hospital. Inoperahan siya noong Linggo.

Ang labang Egano-Facularin ay nangyari sa boxing program ni eight-division champion at dating Sen. Manny Pacquiao na "Blow-By-Blow". Nangako naman si Pacquiao na aakuin ang lahat ng gastusin ni Egano sa ospital.

"There is nothing more precious than human life," wika noon ni Pacquiao nang marinig ang kondisyon ng kapwa boksingero.

"[B]oxing is truly a dangerous sport and the boxers deserve nothing but respect as they put their lives on the line... Other sports you play, but you don’t play boxing.” 

Natapos ang karera ni Egano na may pitong panalo (tatlo sa pamamagitan ng knockout), isang talo at zero draws. — James Relativo

BOXING

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD

MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with