^

PSN Palaro

Altas sinuwag ang Gymers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humataw ang University of Perpetual Help System Dalta ng 32 points sa third quarter para angkinin ang 93-82 panalo sa PSP Gymers sa 2023 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagsumite si Arthur Roque ng 27 points, 10 rebounds, 2 assists at 2 steals para sa debut win ng Altas habang may 16 markers si Cyrus Nitura.

Nag-ambag sina Jielo Razon at Carlo Ferreras ng tig-13 points at humakot si Mark Omega ng 15 rebounds bukod sa 6 points at 1 block.

“We really need this win kasi dito magsisimula iyong journey namin all throughout the year,” wika ni coach Myk Saguiguit. “Kumbaga, early warning sa amin and good thing, nanalo.”

Pinamunuan ni Jayvee Dela Cruz ang Gymers, may 1-1 baraha, sa kanyang 23 point at may 16 at 15 markers sina Val Acuna at Dariel James Bayla, ayon sa pagkakasunod.

Kumawala ang Perpetual mula sa 37-37 pagtatabla sa halftime nang kumana ng 32 points sa third period para iwanan ang PSP sa 69-56.

Nagawang makadikit ng Gymers sa 64-69 agwat, ngunit muling umarangkada ang Altas sa final canto para selyuhan ang kanilang panalo.

GAMES

PSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with