^

PSN Palaro

Filipinas mapapalaban nang husto sa SEAG

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Filipinas mapapalaban nang husto sa SEAG
Kasama ng Filipinas sa Group A ang reigning women’s champion na Vietnam, Malaysia, Indonesia at Myanmar habang nasa Group B ang host team na Cambodia, Laos, Singapore at runner-up na Thailand.

MANILA, Philippines — Mga bigating koponan ang makakasagupa ng Philippine national women’s football team sa darating na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo.

Kasama ng Filipinas sa Group A ang reigning women’s champion na Vietnam, Malaysia, Indonesia at Myanmar habang nasa Group B ang host team na Cambodia, Laos, Singapore at runner-up na Thailand.

Kasalukuyan nang nag­sa­sanay ang mga Pi­nay booters sa Sydney, Australia para paghandaan ang 2023 Cambodia SEA Games.

Sisipa ang football competition ng biennial event sa Mayo 6, halos isang linggo bago idaos ang opening ceremonies sa Mayo 12.

Nauna nang nakakuha ng tiket ang Filipinas at Vietnam sa prestihiyosong FIFA Women’s World Cup matapos umabante sa semifinals ng nakaraang 2022 AFC Women’s Asian Cup sa India.

Ang Vietnam ang kinatatakutan sa SEA Games dahil sa napanalunang anim na gold medals.

vuukle comment

FIFA WOMEN’S WORLD CUP

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with