^

PSN Palaro

Court of Arbitration tuluyan nang ibinasura ang apela ng PSI

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling ibinasura ng Court of Arbitration for Sport (CAS) sa pinakahuling pagkakataon ang isa pang apela ng Philippine Swimming Inc. (PSI).

Pinagtibay ng CAS ang nauna nang desisyon ng World Aquatics na alisin ang pagkilala sa PSI.

“The urgent request for a stay of execution of the de­cision rendered by the FINA (World Aquatics) Bureau on 21 February 2023 filed by the Philippine Swimming Inc. on 24 March 2023 in the matter CAS 2023/A/9489 Philippine Swimming Inc. v. World Aquatics is dismissed,” pahayag ni CAS Appeals Arbitration Division deputy pre­sident Dr. Elisabeth Steiner.

Ang unang dismissal order ng CAS ay nakapaloob sa isang 16-page letter na sagot sa unang apela ng PSI noong Dis­yembre 20, 2022.

Sinuportahan ng CAS ang kautusan ng World Aqua­tics na bumuo ng isang Stabilization Committee na hahawak sa aktibidad ng national sports association.

Sa hiwalay na direktiba ay inutusan ng World Aquatics ang Stabilization Committee na magdaos ng tryouts para sa national team na isasalang sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo.

Ginawa ang national tryouts sa New Clark City Aqua­tics Center sa Capas, Tarlac.

Matapos ito ay sinuspinde ng World Aquatics ang PSI at ipinag-utos ang pagsasagawa ng eleksyon noong Pebrero 22 para sa mga board of directors nito katuwang ang Philippine Olympic Committee (POC).

Inaprubahan naman ng international federation ang isang Elec­toral Committee na binuo ng POC at pi­­namunuan ni POC secretary-general Atty. Edwin Gas­tanes kasama ang mga miyembrong sina legal chief Atty. Wharton Chan, Atty. Avelino Sumagui at Atty. Marcus Antonius Andaya.

CAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with