2 silver sa Pinoy lifters sa WY
MANILA, Philippines — Dalawang pilak na medalya pa ang nasikwat ng national junior weightlifting team sa International Weightlifting Federation (IWF) World Youth Championships na ginaganap sa Durres, Albania.
Galing ito kina Rosalinda Faustino at Angelina Colonia na humirit ng tig-isang pilak sa kani-kanyang kategorya.
Bumuhat si Faustino ng kabuuang 178 kilograms sa women’s 55kg division.
Nagtala si Faustino ng 100 kgs. sa clean and jerk at 78 kgs sa snatch.
Hindi rin uuwing luhaan si Colonia na humirit ng pilak sa women’s 45 kg. division.
Nakapagrehistro si Colonia ng 155 kgs. sa total mula sa 72 kgs. sa snatch at 183 kgs. sa clean and jerk.
Nauna nang sumiguro ng dalawang gintong medalya ang Pilipinas mula kina Prince Keil Delos Santos at Albert Ian Delos Santos.
Pinagharian ni Prince Keil ang men’s 49kg division habang nangibabaw naman si Albert Ian sa men’s 61kg category.
May pilak naman si Eron Borres sa men’s 49kg division.
- Latest