^

PSN Palaro

Coo minalas sa Final ng Thailand BMX Cup 2

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Minalas na naman sa gold medal si Patrick Coo nang sumemplang sa u­nang anim na segundo pa lamang ng Men Elite final ng Thailand BMX Cup 2 kahapon sa Kamol Sports Park BMX track.

Bigo si Coo na makakuha ng qualifying point para sa 2024 Paris Olympic Games sa nasabing International Cycling Union (UCI) Class 1 event.

Nagkaroon ang Fil-Am rider ng sugat sa kanyang kanang braso at balikat dahil sa pagsemplang.

“Thank you very much for the Filipinos and national team for checking on me after my hard crash and hit to head,” wika ni Coo. “I seem to be okay but there’s some swelling to it although I’m walking upright.”

Si Thailand national rider Komet Sukprasert ang umangkin sa Men Elite gold kasunod sina Yucheng Chen ng China BMX Ra­cing Team at 76Rider BMX Squad ng host country.

Nauna nang nabigo si Coo na makuha ang gold sa Jakarta event at nakuntento sa silver noong nakaraang linggo.

Babalik sa Pilipinas ang 2019 Asian juniors champion kasama si PhilCycling off-road coach Frederick Farr para sa medical at physical examinations sa Medical and Scientific Athlete Services unit ng Philippine Sports Commission (PSC).v

“I hope to be back on the track soon,” ani Coo na sumegunda kay Gusti Bagus Saputra ng Indonesia sa Indonesia BMX 2023 Round 1—isa ring UCI qualifying race para sa Paris Olympics— sa Pulonas International BMX Center sa Jakarta noong nakaraang Linggo.

Misyon nina Coo at Daniel Caluag na maka-qualify para sa Paris Olympics.

Target ng Rio de Janeiro Olympian na si Caluag na makakuha ng tiket para sa 2024 Olympics sa kanyang paglahok sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre. 

BMX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with