Amit, Iniong at swimming champs sa TOPS ‘Usapang Sports’
MANILA, Philippines — Pangungunahan ni World billiards champion Rubilen Amit ang kababaihang atletang kampeon sa ‘Women’s Month’ edition ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayon sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate,Manila.
Tinanghal na kauna-unahang Pinay na naging kampeon sa World 9-ball championship, inaasahang magbibigay ang multi-title cue artist ng kanyang target na mga torneo sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Behrouz Persian Cuisine.
Makakasama ni Amit sa programa ganap na alas-10:30 ng umaga ang kapwa world-class athletes na sina Vietnam SEA Games gold medalist Gina Iniong at Renalyn Dacquel ng Samahang Kickboxers ng Pilipinas, gayundin ang bagong swimming wonder na si Pia Severina Magat, at Swim League Philippines (SLP) Chairman Joan Mojdeh.
Inaanyayahan ang mga miyembro at opisyal, gayundin ng mga sports enthusiasts na lumahok at makiisa sa forum na mapapanood din via livestreaming sa TOPS ‘Usapang Sports’ official Facebook group page, gayundin sa Channel 8 at 45 ng PIKO (Pinoy Ako) mobile broadcast app.
- Latest