^

PSN Palaro

Team Japeth sinilat ang Team Scottie

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpara sa mga nakaraang PBA All-Star Game, matinding depensa mula umpisa hanggang katapusan ang ipinakita ng Team Scottie at Team Japeth kahapon sa City of Passi Arena sa Passi, Iloilo.

Itinakbo ng Team Japeth ni Japeth Aguilar ang dramatikong 140-136 pa­nalo kontra sa Team Scottie ni Scottie Thompson sa pagbabalik ng event matapos ang tatlong taon dahil sa pandemya.

Kumonekta si Paul Lee ng 32 points tampok ang pitong four-point shots para banderahan ang Team Japeth.

Hinirang si Lee bilang PBA All-Star Game Most Valuable Player dalawang araw matapos tangha­ling Three-Point Shootout champion.

“I think this is something special. I think the players felt that and that showed up in their game,” sabi ni coach Tim Cone ng Team Japeth.

Sinapawan din ng Team Japeth sa likod ni choreographer Arwind Santos ang Team Scottie sa dance-off competition.

Bigo naman sina Perez at Thompson na maipasok ang kanilang tira sa hanga­ring maitabla ang Team Scottie.

Samantala, nangako si PBA Commissioner Willie Marcial na magdaraos ng isang regular PBA game sa Passi.

KUMPARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with