^

PSN Palaro

Top swimmers ng Langoy Pilipinas isasabak sa Guam

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Top swimmers ng Langoy Pilipinas isasabak sa Guam
Langoy Pilipinas founder Darren Evangelista.

MANILA, Philippines — Ayon kay Langoy Pilipinas founder Darren Evangelista, mahigit 800 tankers mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagkumpirma na ng partisipasyon.

Kabilang na rito ang 10 lungsod at lalawigan mula sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao.

“Tinatawag namin itong grassroots program para sa elite, yung may mga personal best time na at focus na mas mapababa ang kanilang best time, matagal din kasing nawala ito. Marami na kasi tayong mga kaibigan at kasama na gumagawa nyan all over the country may tournament para sa Class C at D,” pahayag ni Evangelista, head ng organizing GoldenEast Ads Promo and Events, sa ginanap na Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) kahapon sa PSC Executive Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Puntirya ng torneo na makatuklas ng mga bagong talentong isasabak sa SEA Games, Asian Games at Olympics.

Ang mga mangungunang atleta ay ipadadala sa Guam Pacific Cham­pionship.

“This is a 10 event tournament, a qualifying for the team na isasali natin sa Guam Pacific Cham­pionship. Nakausap ko na ang Governor ng Guam, her Honorable Lourdes A. Leon Guerrero at pormal na akong nagpadala ng sulat para sa participation ng ating mga swimmers this year. Bale yung top 10 sa bawat age group ang ipadadala natin para sa kanilang internatio­nal exposure,” dagdag ni Evangelista sa programang suportado ng Behrouz Persian Cuisine at PSC.

DARREN EVANGELISTA

SWIMMER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with