^

PSN Palaro

Carmona kampeon sa FINIS Short Course swimfest

Pilipino Star Ngayon
Carmona kampeon sa FINIS Short Course swimfest
Si FINIS Philippine Managing Director Vince Garcia kasama ang swimmers ng Carmona.

MANILA, Philippines — Tinanghal na overall champion ang Carmona Angelfish Swim Team sa kakatapos na FINIS Short Course Invitational Swim Meet sa Inspire Sports Academy Philippines sa Calamba, Laguna.

Lumangoy ang Angelfish squad ng kabuuang 797.60 points mula sa matikas na kampanya sa lahat ng age-group competition para pangunahan ang torneo.

Pumangalawa ang Saints Swim Club na may 715.50 points kasunod ang Viking Swim Team (435 points), Southpick Blue Shark (395 points) at Pakil Spring Swimming (371.50 points).

Kabuuang 21 swim teams at swim clubs ang sumabak sa pambungad na aktibidad ng FINIS ngayong taon.

“Nagpapasalamat po ang FINIS sa lahat ng mga sumusuporta gayundin sa mga swimmers at coaches na tumatangkilik sa ating programa,” ani FINIS Philippine Managing Director Vince Garcia. “Makakaasa po kayo na paiigtingin namin ang sports development program para matulungan ang ating pamahalaan na makatuklas ng mga talento na magagamit para sa ating Pambansa koponan.

Kasama sa Top 10 ang South Rapids Swim Team (326), Hydrojets Swim Club (226.50), Infant Jesus Kingfishers Swim (168), Pansol Calamba Swimming Team (128) at Bohol Splashers Team (105).

Sa susunod na buwan ay ilalarga ng FINIS ang FINIS Long Course swim series Mindanao Leg sa Marso 18-19 sa Douglas R Cagas Sports Complex, Digos City Davao del Sur.

FINIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with