^

PSN Palaro

Gonzaga iginiya ang Beermen sa PBA 3x3 Leg 1 crown

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinandalan ng San Miguel ang bagong hugot na si Tonino Gonzaga sa 21-17 pagresbak sa Pioneer Elastoseal para angkinin ang Leg 1 crown ng PBA 3x3 Season 2 Third Conference kahapon sa Robinsons Novaliches.

Ipinasok ni Gonzaga ang tatlong sunod na two-point shots para ibangon ang Beermen mula sa 15-17 agwat at kumpletuhin ang panalo sa Katibays.

Tumapos si Gonzaga, dating kamador ng Meralco, na may 9 points, 7 rebounds at 5 assists para sa tropa ni coach Boycie Zamar.

Inangkin nina Gonzaga, Leo De Vera, Ken Bono at Dariel Bayla ng San Miguel ang premyong P100,000 habang nakuntento sina Ken Mocon, Dennice Villamor at Reggie Morido ng Pioneer sa P50,000 bilang runner-up.

Ito ang pang-limang leg title ng Beermen simula sa inaugural season kung saan sila naghari sa Legs 2 at 6 ng First Conference at sa Leg 5 ng Second Conference.

Giniba ng SMB ang TNT, 21-17  habang dinaig ng Pioneer ang Cavitex, 18-16, sa semifinals.

Samantala, binigo ng Cavitex ang TNT Tropang Giga, 16-14, para pitasin ang third place trophy at premyong P30,000.

Bumida sina Jorey Napoles, Dominick Fajardo, Chester Saldua at Bong Galanza ng Braves laban kina Samboy de Leon, Ping Exciminiano, Lervin Flores at Gryann Mendoza ng Tropang Giga.

vuukle comment

TONINO GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with