^

PSN Palaro

Depensa susi ng Gin Kings sa 2-1 lead

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Depensa susi ng Gin Kings sa 2-1 lead
Pinanood lamang ng tatlong Bay Area players ang layup ni Ginebra import Justin Brownlee sa Game 3 ng PBA Finals.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Matigas, malagkit at nakakainis na depensa.

Ito ang ginamit ng Ba­rangay Ginebra para balikan ang guest team na Bay Area, 89-82, sa Game Three ng 2022-2023 PBA Commissioner’s Cup Finals kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Bumangon ang Gin Kings mula sa kabiguan sa Game Two para agawin ang 2-1 lead sa kanilang best-of-seven championship series ng Dragons.

Nagsumite si import Justin Brownlee ng 34 points, 17 rebounds, 4 assists at 3 steals para sa Ginebra na inagaw ang 85-79 abante sa huling 36.3 segundo mula sa 14-point deficit, 45-59, sa Bay Area sa 5:37 minuto sa third quarter.

Umiskor si Christian Standhardinger ng 15 markers at may 14 at 10 points sina Scottie Thompson at Jamie Malonzo, ayon sa pagkakasunod.

Solidong suporta rin ang ibinigay ng mga fans para sa Gin Kings laban sa Dragons.

“Like I said I’ve been through countless, countless games against Ginebra and every time it’s all about trying to keep the crowd out of your mind, t­rying to keep the referees out of your mind, trying to just focus on what you’re gonna do. And it’s just r­eally, really hard,” ani coach Tim Cone.

Ang triple ni Kobey Lam ang nagbigay sa Bay Area ng 59-45 bentahe sa 5:37 minuto sa third quarter.

Ngunit hindi sumuko ang Ginebra kagaya ng ina­asahan.

Sa likod nina Brownlee, Thompson at Malonzo ay inagaw ng Gin Kings ang 85-79 lead sa hu­ling 50.4 segundo ng laro mula sa 72-77 pagkakaiwan.

Idinikit ni Lam ang Dra­gons sa 82-85 sa natitirang 8.5 segundo.

Sinelyuhan ni LA Tenorio ang panalo ng ‘never-say-die’ team mula sa kanyang dalawang free throws sa huling limang segundo matapos ang dalawang charities ni Brownlee.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with