^

PSN Palaro

Jaja, Paat mainit sa international stage

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Jaja, Paat mainit sa international stage
Jaja Santiago
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinatunayan nina Jaja Santiago at Mylene Paat na may ibubuga ang mga Pinay kung volleyball din lang ang pag-uusapan.

Gumawa ng ingay sina Santiago at Paat matapos magpasiklab sa international stage.

Noong Marso, itinanghal na Best Scorer si Paat sa Thailand Volleyball League kung saan nag­laro ito para sa Nakhon Ratchasima bilang import.

Tinulungan din nito ang Nakhon Ratchasima sa bronze-medal finish sa naturang liga.

Hindi rin nagpakabog si Santiago.

Noong Abril, napasakamay ni Santiago ang Best Blocker award sa Japan V.League.

Nagtala si Santiago ng kabuuang 103 blocks para makatuwang ang Saitama Ageo Medics sa kampanya nito.

Sa local tournament, nakakuha ng dalawang Most Valuable Player (MVP) award si Tots Carlos ng Creamline Cool Sma­shers sa Premier Volleyball League (PVL).

Una na rito ang MVP award sa Open Confe­rence kasunod ang isa pang naturang top award sa Invitational Conference.

Sa naturang dalawang kumperensiya, nagkampeon ang Cool Smashers para maging top volleyball team sa liga.

JAJA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with