Washington sinalo ng Yokohama
MANILA, Philippines — Matapos bitawan ng powerhouse Division I team Ryukyu Golden Kings, mananatili pa rin sa Japan B. League si Jay Washington matapos kunin ng Division III team na Yokohama Excellence.
Pumirma na ang 41-anyos na si Washington sa Yokohama at nagsasanay na para sa inaasahang debut niya ngayong weekend kontra sa Iwate Big Bulls.
Limitadong aksyon lang sa kabuuang anim na laro ang nasalangan ni Washington para sa Golden Kings, na runner-up sa likod ng kampeon na Utsunomiya Brex noong nakaraang B. League season.
Doon ay nagrehistro siya ng 2.2 points sa average na limang minutong aksyon.
Sa Yokohama, inaasahan ang liderato at solido pa rin sanang kontribusyon ng dating PBA superstar para lalong mapataas ang 14-6 kartada nito tungo sa Division II promotion.
Noong Setyembre ay purmima si Washington sa Ryukyu upang maging ika-11 na Filipino import doon kasama sina Dwight Ramos ng Hokkaido, Ray Parks Jr. ng Nagoya, Kiefer Ravena ng Shiga Thirdy Ravena ng San-en, Justine Baltazar ng Hiroshima, Matthew Wright ng Kyoto, Kobe Paras ng Chiba, Jordan Heading ng Nagasaki, Roosevelt Adams ng Kagawa at Greg Slaughter ng Fukuoka.5
Dating manlalaro sa PBA si Washington na No. 1 overall pick noong 2005 draft at naging isa sa pinakamagaling na cager doon tampok ang apat na kampeonato at dalawang Best Player of the Conference awards.
- Latest