Wiggins, Curry nag-paulan ng tres sa Rockets
SAN FRANCISCO, Philippines — Umiskor si Andrew Wiggins ng season-best na 36 puntos para itabla ang kanyang career high na may walong 3-pointers sa pagbitbit nito sa Golden State Warriors sa 120-101 panalo laban sa Houston Rockets.
Nagpasiklab din si Stephen Curry na tumapos ng 30 puntos tampok ang walong triples bukod pa ang 10 assists.
Sumakay ang Warriors sa 22-4 lead, na gumawa ng kanilang unang pitong basket, bago muling pinalaki ang kanilang bentahe sa 39-23 sa pagtatapos ng first quarter.
Isinalpak ni Wiggins ang magkasunod na 3s sa kalagitnaan ng third quarter para ihatid ang Warriors sa ika-10 sunod na panalo sa kanilang balwarte.
Ang Golden State ay naging pangalawang koponan sa kasaysayan ng NBA na gumawa ng 20 3-pointers sa apat sa limang laro.
Sa Los Angeles, pinataob ng Dallas Mavericks ang New York Knicks, 121-100.
Sa Salt Lake City, umiskor si Anfernee Simons ng career-high 45 puntos upang pangunahan ang Portlnd Trail Blazers sa 116-111 panalo laban sa Utah Jazz.
- Latest